Last updated Wed 24 Oct 2007 Member since June 2006
Sa gitna nang pagiging abala, Nagsasalimbayan ang mga alaala, Sa dami nila y baka maloka, Kaya t isulat na lang, HALA!!! Reply
Been talking to myself lately. She might answer...maybe I should just write!
Goodbye Yahoo 360. Thank you for everything. But I'm moving on to
Saan napunta ang mga larawan ko dito?
Sila'y nawawala kasama ng blogs ko
Panahon na ba para lumisan?
Anong aking patutunguhan?
Yahoo 360, bake-e-et?![]()
Sa panaginip ko'y dumalaw ka ulit
Diwang nahihimbing muli mong kinulit
Tuwi-tuwina'y bumabalik 'sang saglit
Alaala mo tuloy di maiwaglit.
Kaya't ang tanong ko:
"Bakit, bakit, bakit?"
(Bakit ang kulit mo? Bakit kilig pa rin ako?)![]()
One event I have discovered and truly enjoyed each year here in Adelaide is the Credit Union Christmas Pageant. In the last five years, like a little kid, I wouldn't miss waking up early and going to the city to claim a good viewing spot along the parade route. Needless to say, I was so looking forward to have Inay and my nephew, Rhys, see it for themselves, too so off we went last Saturday. I think the pageant is held every second Saturday of November and sort of officially ushers in the Christmas season into South Australia. We were lucky to snatch the last empty space in a bus stop, hence, we didn't have to wait for an hour or so under the sun like the other pageant watchers.
Here's one installment. Enjoy!
Isa sa mga na-appreciate ko sa pag-aaral at pagtatrabaho dine sa Australia ay yung kanilang tea time o coffee break. Sa madaling sabi’y merienda sa atin. Sa aming mga dalwang oras na klase noon sa unibersidad ay meron kaming 15 minute na break for tea. At sino kamong may dala ng cookies, kape na nasa sachets, samu’t saring brands ng tsa-a at mainit na tubig? Ang propesor! Hila-hila nya sa isang trolley basket kasama ng mga libro papunta sa classroom. Kapag malapit na ang tea time ay ire-request nya yung estudyante na malapit sa powerpoint na mangyaring pakisaksak na ng airpot para magpakulo na ng tubig. Meron namang pinapababa na lang kami sa faculty room para doon kumuha ng kape at tea and then balik uli sa classroom para ituloy ang diskusyon habang painom-inom ng tea with matching cookies. Na-enjoy ko talaga yun! Yun nga lang hindi ko maisawsaw ang cookie sa kape. Dyahe, baga. Feeling ko pa naman noon naiiba ang accent ko while having tea (mala-Julie Andrews baga)…hehehe.![]()
At baken ko naman ika nyo na-appreciate, eh, di hamak na mas bongga pa rin ang ating merienda kay Maderland. Kuu, nami-miss ko na ang banana cue, kamote cue, turon, pan de aguang mainit na may palamang Dari Crème, kalahi, monay, puto, kutsinta…sows! O sha, tama na at bigla akong ginutom. Ang ibig ko lang naman sabihin ay na-appreciate ko nga ang tea time dine dahil libre at may ready access ka sa mainit na tubig dahil…may budget!![]()
![]()
Noon sa faculty room namin ay kailangang kami pang mga teachers ang mag-adhika para makabili ng airpot at makapagpa-deliver ng mineral water sa fourth floor pa naman ng building. Pero dine, mga kafatid, ay sagot lahat ng kumpanya. As in may lunchroom kami na may fridge (take note, hindi ref, ha? J), toaster, mini-oven, microwave, drinking tap, at kumpleto sa supply ng kitchen at eating utensils. Provided ang kape, tsa-a, gatas, asukal at cookies. Kung trip mo naman ng candies, soup o tsokolate, may vending machine pero pay ka na non. Pero ang pinakapaborito ko ay yung aming hot water machine. (See picture) Dahil naka-install na sya sa may gripo namin sa lababo sa lunchroom ay ever ready ang boiling water. Hindi na kailangang kami pa ang mag-replenish ng tubig. 24-7 ay lagi kaming may boling water. Hi-tech talaga para sa aking galing sa lupain ng pagtitiis. Kaya kaysarap ng tea time lalo na kung winter.![]()
Subalit datapwat ngayong umaga ay may nakatakda palang may kakaibang maganap. Ako’y looking forward na looking forward sa aking morning coffee pagdating sa opis. Ay ano baga nama’t sa pagtulak ko nung parang mechanism ng gripo para bumuhos na ang mainit na tubig sa aking mug ay…TOING! Naputol ang tinamares na parte ng wonderful invention na ito at next time I looked, nasa sahig na sya. Patayyy!![]()
As of press time ay wala pa yung tinawagang magse-service kaya star ako today sa buong opisina. Kasi nama’y nagtanong pa ang boss nang malakas, “Who broke the bloody hot water machine?” Bam! Kapow! Tsugi ang aking konsyensya. Hindi naman galit, inover acting lang para marinig ng lahat. Eh, anofaflu, may I raise my right hand na lang sabay sabi nang buong pa-cute ang bloody Asian moi, “Me, me, me!”![]()
Kaya naku, hot waterman, superman, spiderman, batman, superfriends! dumating ka na please. Dali at malapit na naman ang tea time!![]()